For Maria
Tuesday, July 24, 2007It’s never been easy for me
To find words to go along with a melody.
But, this time, there’s actually something on my mind,
So please forgive these few brief awkward lines.
Since I’ve met you, my whole life has changed.
It’s not just my furniture you’ve rearranged.
I was living in the past but somehow you’ve brought me back,
And I haven’t felt like this since before Frankie said, "Relax."
And while I know, based on my track record,
I might not seem like the safest bet.
All I’m asking you is don’t write me off just yet.
For years, I’ve been telling myself the same old story,
That I’m happy to live off my so-called former glories.
But you’ve given me a reason to take another chance.
Now, I need you despite the fact that you’ve killed all my plants.
And though I know I’ve already blown more chances
Than anyone should ever get.
All I’m asking you is don’t write me off just yet.
Don’t write me off just yet.
The Wisdom Of James Connolly 01
Monday, July 16, 2007If you strike at, imprison, or kill us — out of our prisons or graves, we will still evoke a spirit that will thwart you and, perhaps, raise a force that will destroy you! We defy you! Do your worst!
Sa Mga Hindi Pa Nakakaalam
Sunday, July 15, 20071. Ano ang Human Security Act o HSA?
Ang Human Security Act ay ang dating Anti-Terrorism Bill – binalutan at dinamitan ng bagong pangalan para mag-amoy at magmukhang kaiga-igayang batas. Sa katunayan, ito ang ibig sabihin ng buong titulo ng HSA: “AN ACT TO SECURE THE STATE AND PROTECT OUR PEOPLE FROM TERRORISM.”
Layunin ng batas na ito na labanan ang diumano’y terorismo o ang anumang banta nito sa bansa. Sa pagpasa nito, magkakaroon na raw ang bansa ng mabisang armas laban sa paghahasik ng lagim ng mga terorista. Pero ang totoo, ito ay gagamitin lamang para bigyang legalidad ang nangyayaring malawakang terorismo ng estado na isinasagawa ng Rehimeng US-Arroyo laban sa mamamayan. Isinunod ang HSA sa disenyo ng pandaigdigang “gera laban sa terorismo” na idineklara ni George Bush, Pangulo ng US, matapos ng pagpapasabog sa World Trade Center sa pusod ng US noong Setyembre 2001. Ang “gera laban sa terorismo” ay tusong ginagamit ni George Bush para bigyang katuwiran ang layunin nitong higit na palawakin ang pagkontrol nito sa iba’t ibang bahagi ng daigdig, lalo na sa mga bansang mahigpit na lumalaban sa paghahari-harian nito.
Ginagamit din ito para atakehin ang mga makabayan, progresibong kilusan na estratehikong banta sa paghahari ng imperyalismo sa sandaigdigan. Sa ilalim ng iskemang ito ay ideneklara ng US ang Pilipinas noong 2002 bilang ikalawang larangan ng digmaan o “second front in the war against terrorism”, sunod sa Afghanistan at Iraq. Nais ng US na madurog ang anti-imperyalistang paglaban ng mamamayan upang mapanatili nito ang Pilipinas bilang estratehikong base sa pagkontrol nito sa Silangan at Timog Silangang Asya.
Nauna sa HSA ay ang Patriot Act of 2001 sa US, 2005 Anti-Terror Law sa Australia, 2006 Terrorism Act sa Britanya, at iba pang kahalintulad na batas sa Denmark, Espanya, Pransya, at iba pang bansa. Saan man ipataw ang “gera laban sa terorismo” ay ibayong takot ang inihahasik at ibayong paglaban din ang isinasagot ng mamamayan.
2. Ano ang katangian ng HSA?
Ang HSA ay taliwas sa diwa ng demokrasya at Saligang Batas dahil lalabag ito sa ating mga kalayaang sibil, lalo na ang hinggil sa karampatang proseso. Kaya’t maraming sektor ang nangangamba sa tunay na target ng HSA. Para itong kalawit ni kamatayan sa kamay ng estado, anila, lalo’t sa kalagayan na patuloy ang pagkalagas sa hanay ng mga progresibo at militanteng organisasyon na nagpapahayag ng mga paninindigan (na hindi panig sa administrasyon) hinggil sa mga isyung nakaaapekto sa nakararami. Hindi nga ba sa bokabularyo ng “gera laban sa terorismo”, ang pagiging militante ay halos katumbas ng terorismo? Kung magkagayon, layunin ng HSA na bigyang-gulugod sa batas ang sistematikong pagbabalewala ng estado sa mga karapatan na nakasaad mismo sa Saligang Batas.
Maging ang Korte Suprema, sa desisyon nito sa pagbasura sa mga kaso ng rebelyon laban kay Anakpawis Rep. Crispin Beltran at iba pang kapanalig na progresibong party-list ay nagkomento hinggil sa mga iregularidad at pagyurak ng state prosecutor mismo sa karampatang proseso.
Sa ilalim ng HSA, at kahit pinagsususpetsahang “terorista” pa lamang, nagpapataw na ang HSA ng kaparusahan at restriksyon sa mga karapatan. Parang binura na rin ng HSA sa konstitusyon ang mga probisyon hinggil sa karapatang sibil, karapatang pantao, proseso, at papel ng sistemang hudisyal.
Kung magkagayon, dudulo ang HSA sa pagbusal sa malaya nating paghahayag ng ating mga hinaing at kahilingan.
3. Ano ang mga nilalaman ng HSA?
Bilang instrumento ng legalisasyon sa sistematikong pag-atake sa mga probisyong nakasaad sa Artikulo 3 ng Konstitusyon hinggil sa mga karapatan ng mamamayan, laman ng HSA ang mga sumusunod:
a. Ang mukha ng terorista at kriminal
Sa batas kontra-terorismo, binigyang mukha ang “terorismo”. Pero sa laki ng saklaw nito, sa Seksyon 17, pati karaniwang krimen ay puwedeng maging gawaing terorismo kung ito ay nag-uudyok at lumilikha ng “laganap at di-pangkaraniwang takot sa mamamayan upang puwersahin ang gubyerno na ibigay ang isang kahilingang labag sa batas.” Ang masakit pa rito, sa paghahain lamang sa anumang rehiyunal na korte sa bansa ng kalihim ng Department of Justice ay puwede nang bansagan ang isang organisasyon na “terorista”.
Sa katunayan, magreresulta ang HSA sa pagguho sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF), at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Imbes na harapin ang tunay na ugat ng rebelyon ay walang humpay na atake ang ipapataw ng rehimeng US-Arroyo.
Kahit pinagsususpetsahan pa lamang, sa ilalim ng HSA ay parang kriminal na ang turing – puwede nang ipailalim sa pag-aresto nang walang warrant o mandamyento, sa pagditine nang walang taning, sa restriksyon sa paglalakbay at komunikasyon, sa surveillance at paniniktik, at sa pagkumpiska ng mga pondo at ari-arian. Nangyayari na ito bago pa man ang HSA, tulad halimbawa sa kaso ng Tagaytay 5, Erap 5, sa pagdukot kay Jonas Burgos, atbp.
Tingnan ang mga sumusunod na probisyon sa HSA:
Pag-aresto nang walang mandamyento. Nakapaloob ito sa Seksyon 18 ng HSA at ang pagkulong ng tatlong araw nang hindi kinakasuhan sa kautusang pinirmahan ng Anti-Terrorism Council.
Pagditine nang lampas sa tatlong araw. Sa Seksyon 19, pagpapalawig ng lampas sa tatlong araw na pagditine sa panahong may “aktwal o nakaambang teroristang atake”. Malinaw na paglabag ito sa Seksyon 18, Artikulo 7 ng Konstitusyon, kung saan nakasaad, “During the suspension of the privilege of the writ, any person thus arrested or detained shall be judicially charged within three days, otherwise he shall be released.”
Paglimita sa paglalakbay. Sa Seksyon 26, lilimitahan ang karapatang maglakbay ng suspek, matapos magpiyansa, sa loob ng kanyang tinitirhang munisipalidad o siyudad, o puwede rin siyang ipailalim sa house arrest kung saan bawal ang paggamit ng telepono, computer, internet, at iba pang aparatong pangkomunikasyon.
Paninitiktik at surbeylans. Sa Seksyon 7, nakapaloob ang paniniktik at surbeylans sa pinaghihinalaan o inaakusahang indibidwal, mga organisasyong idineklarang terorista at mga indibidwal na miyembro nito, at maging ang mga pinaghihinalaang kasabwat nila kasama ang pag-usisa sa bank account at iba pang pinansyal na rekord sa utos ng Korte Suprema at ng Court of Appeals. Pero paano makasisiguro sa proseso na may utos mula sa mga institusyong ito kung sa ngayon ay nagagawa na ang paninitiktik at surbeylans nang walang pahintulot mula sa mga ito? Maging ang dating Pangulong Corazon Aquino, Erap Estada, at iba pang personalidad ay hindi naging ligtas sa surbeylans.
b. Ang mukha ng tunay na terorista
Konsentrasyon ng kapangyarihan sa kamay ng ATC. Sa Seksyon 53, bubuuin ang Anti-Terrorism Council (ATC) na siyang magpapatupad ng HSA. Kabibilangan ang ATC ng Executive Secretary; mga kalihim ng Department of Justice, Defense, Foreign Affairs, Interior and Local Government, at Finance; at ng National Security Adviser. Magsisilbing kalihiman ng ATC ang National Intelligence Coordinating Agency.
Ang mayorya ng miyembro ng ATC ay bahagi ng notoryus na gabinete sa seguridad ng administrasyon – ang Cabinet Oversight Committee for Internal Security (COCIS) – na sina Eduardo Ermita, Raul Gonzales, Norberto Gonzales – na mga utak sa mga mapanupil na polisiya tulad ng Oplan Bantay Laya, Proclamation 1017, Calibrated Preemptive Response, at Executive Order 464. Ang COCIS din ang nasa likod ng malawakang pamamaslang, pagdukot at sapilitang pagkawala, panunupil, at iba pa.
4. Paano sinasagasaan ng HSA ang mga demokratikong karapatan ng mga manggagawa?
Sa gitna ng buhay na mga karanasan ng panunupil at kontra-manggagawang mga polisiya sa mga pabrika at lugar-pagawaan, papatindihin ng HSA ang atake laban sa karapatan ng mga manggagawa. Sa malawak na depinisyon ng terorismo sa HSA, ang simple at lehitimong mga karaingan ng mga manggagawa at ng kanilang mga unyon ay maaaring ituring na gawaing terorista. Ilan sa mga karapatan ng mga manggagawa na apektado ay ang mga sumusunod:
Karapatan sa sama-samang pagkilos. Mula pa noong 2003, nagdeklara na si Arroyo at ang kanyang gabinete na ang progresibong kilusang manggagawa at pakikibaka tulad ng welga ay hakbanging terorista. Hindi sorpresa kung ibayong pag-atake ang mararanasan sa mga welga sa pabrika, tigil-pasada o welgang transportasyon, at barikada ng maralitang taga-lungsod na nagdedepensa sa kanilang karapatan sa paninirahan – at ituring ang mga ito na gawaing terorista at pananabotahe sa ekonomiya.
Karapatang mag-organisa. Ibayong surbeylans at paninitiktik ng gobyerno ang aasahan sa hanay ng militanteng mga unyon. Gamit ang mga probisyon sa HSA, sasamantalahin ng estado ang pagbakbak sa mga nagsusulong ng tunay na unyonismo.
Karapatan sa makataong kondisyon sa paggawa. Sa gitna ng pamamaslang at pagdukot sa militanteng lider at manggagawa at kasapi ng mga unyon, lalong patitindihin ng HSA ang pagmamalupit sa mga manggagawa lalo’t may lisensiya na ang pag-aresto nang walang mandamyento at pagditine ng lampas sa tatlong araw. Bubusalan ng HAS ang mga manggagawa sa paglaban para sa makataong pasahod at kondisyon sa paggawa.
Higit lalo na ang nagpapatupad ng HSA ay ang ATC na silang miyembro rin ng COCIS. Kung noon ay akusadong mga rebeldeng NPA o supporter ng NPA ang mga unyonista katulad sa Robina at Console Farms sa Bulacan, ngayon ay tiyak na gagamitin ng gobyerno ang “terorista” para lalong bigyang-tuwid ang pag-atake sa karapatan ng mga manggagawa.
Sa buong panahon sa ilalim ng panunungkulan ni Arroyo, kabi-kabilaan na ang ginagawang paglabag sa mga demokratikong karapatan ng mga manggagawa at ang kriminalisasyon ng mga kaso. Ibayong lupit ang idudulot nito sa mga polisiyang katulad ng Assumption of Jurisdiction (AJ) at Temporary Restraining Order (TRO). Ang implementasyon ng AJ ay nagresulta na sa Hacienda Luisita Massacre noong 2004 sa desperadong pagtatangka na ipataw ang AJ para pigilan ang pagpapahayag ng mga manggagawa ng kanilang mga hinaing at kahilingan.
Higit ding titindi ang militarisasyon sa komunidad ng maralitang taga-lungsod, lalo na sa mga lugar na ibayo ang pagkilos ng maralita para sa karapatan sa paninirahan. Walang dudang titindi rin ang paggamit ng mga barangay police at iba pang paramilitar para tiktikan ang pagkilos ng mamamayan.
5. Sino ang makikinabang sa HSA?
Walang ibang makikinabang sa pagpasa ng batas kontra-terorismo na ito kungdi ang rehimeng US-Arroyo. Nagsisilbi ang ibayong panunupil sa pagpapatagal sa panunungkulan ng kasalukuyang administrasyon. Sa konteksto ng resulta ng nagdaang eleksyon – kung saan nag-uumapaw ang botong protesta laban sa administrasyong Arroyo – sisiguraduhin ng HSA ang suporta ng US at ang pagbusal sa mga kritiko nito.
Dagdag na sandata ng rehimeng Arroyo at mga alipores nito ang HSA upang sagkaan ang ibayong paglakas ng pagkilos ng sambayanang nais magpatalsik sa mapanupil na rehimen. Para sa imperyalistang US, ang HSA sa Pilipinas ay dagdag na pandaigdigan nitong lambat sa “gera laban sa terorismo,” na sa totoo naman ay lambat laban sa mga kilusang mapagpalaya sa iba’t ibang panig ng daigdig.
—
Excerpt mula sa
PRAYMER HINGGIL SA HUMAN SECURITY ACT
ECUMENICAL INSTITUTE FOR LABOR EDUCATION AND RESEARCH, INC.
HUNYO 8, 2007
The Fucking Facts
The chefs who cook and prepare food in hotels and high-end restaurants cannot even afford to eat in those places.
The bartenders who mix up cocktails in popular bars cannot even buy a drink or two in those establishments.
The salespeople in class A botiques cannot even purchase their clothes or what-nots in those stores.
What is worse is that…
The carpenters who build houses in posh villages do not even have decent homes.
The farmers who toil for import-quality produce do not even have decent meals.
The worst part is that…
The Human Security Act has been passed.
Now, complaining about the wrong state of things makes one a wrong-doer, eligible for torture and indefinite detention.
Ain't this country fucked up?
On Children
If you bungle raising your children, I don't think whatever else you do well matters very much.
Jacqueline Kennedy Onassis
Children have never been very good at listening to their elders, but they have never failed to imitate them.
James Baldwin
Where did we ever get the crazy idea that in order to make children do better, first we have to make them feel worse? Think of the last time you felt humiliated or treated unfairly. Did you feel like cooperating or doing better?
Jane Nelson
You know children are growing up when they start asking questions that have answers.
John J. Plomp
Your children are not your children. / They are the sons and daughters of Life's longing for itself.
Kahlil Gibran
When I approach a child, he inspires in me two sentiments; tenderness for what he is, and respect for what he may become.
Louis Pasteur
If you as parents cut corners, your children will too. If you lie, they will too. If you spend all your money on yourselves and tithe no portion of it for charities, colleges, churches, synagogues, and civic causes, your children won't either. And if parents snicker at racial and gender jokes, another generation will pass on the poison adults still have not had the courage to snuff out.
If we don't stand up for children, then we don't stand for much.
Marian Wright Edelman
To nourish children and raise them against odds is at any time, any place, more valuable than to fix bolts in cars or design nuclear weapons.
Marilyn French
Having children makes you no more a parent than having a piano makes you a pianist.
Michael Levine
You know your children are growing up when they stop asking you where they came from and refuse to tell you where they're going.
P. J. O'Rourke
All children are artists. The problem is how to remain an artist once he grows up.
Pablo Picasso
Bitter are the tears of a child: Sweeten them.
Deep are the thoughts of a child: Quiet them.
Sharp is the grief of a child: Take it from him.
Soft is the heart of a child: Do not harden it.
Pamela Glenconner
Don't limit a child to your own learning, for he was born in another time.
Rabbinical saying
If a child is to keep alive his inborn sense of wonder, he needs the companionship of at least one adult who can share it, rediscovering with him the joy, excitement and mystery of the world we live in.
Rachel Carson
To value his own good opinion, a child has to feel that he is a worthwhile person. He has to have confidence in himself as an individual.
Sidonie Gruenberg
The Wisdom Of Ayn Rand 01
"Fire, a dangerous force, tamed at his fingertips… When a man thinks, there is a spot of fire alive in his mind — and it is appropriate that he should have the burning point of a cigarette as his one expression."
People
Saturday, July 14, 2007People do not need shrinks to get them out of their woes.
People need people who would listen to them and, if necessary, offer them the solutions they failed to perceive.
People need people who know them well enough to know how knots can be untied.
On the other hand, people do not need to study psychology to be able to sort out the things that make a wreck of other people's brains.
People only need to listen more to each other.
The Dance
Friday, July 13, 2007This was the exact moment when The Barbarians started to cry, having realized the tangibility of what has been, for months, only a concept being tossed around the drinking bouts and poker sessions.
When Love Comes To Town
Monday, July 9, 2007Ganito kasi 'yun… Bata pa lang ako nu'n… At medyo bata pa rin siya nu'n… Crush ko na siya. Dahil hindi naman ako mayaman o politico o celebrity, hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makilala siya nang personal. Ni hindi ko man lang siya nasilayan sa 'di iilang beses din na pagsundo namin kay Manang sa magarang gusali ng ABS-CBN.
Ngunit, nu'ng Sabado, nagbago ang guhit ng palad ko. Inimbitahan ako ni Manang sa kasal niya.
At ninang niya ang diwatang matagal nang itinitibok ng aking puso.
Bukod sa pagnanais kong maging matino ang aking hitsura dahil nga bukod-tangi ang araw na iyon para kay Manang, sinigurado ko rin na — kung sakaling magkaharap man kami ng aking nililiyag – ay may iiwan akong magandang larawan sa kanyang alaala.
Medyo malayo ang inuupuan ko sa kanila. Buti na lang, 'yung mesa namin, katapat lang nu'ng entablado.
Kaya, eto…
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil pag-akyat niya ng entablado ay na-realize kong abot-kamay ko na ang bituin kong ubod ng ningning…
Kahit pa nararamdaman ko na ang sakit sa aking leeg, 'di ko makuhang mag-inat man lang. At siniguro ko rin na lagi akong nakangiti. Baka kasi mapalingon siya sa akin e. Ayoko naman na magmukhang bored o uninterested…
Napakaganda ng mga binitiwan niyang kataga… Naramdaman kong hinahaplos ako ng bawat pangungusap na namutawi sa kanyang mga labi…
'Di ko lang masabi nang malakas na, "Napakagaling mo talaga!"… Pakiramdam ko nga'y kulang ang lakas ng aking pagpalakpak para bigyang hustisya ang ibinahagi niyang saloobin…
Nang mag-sink in ang mga sinabi niya, 'di ko mapigilang maluha… Marahil ay, 'di man siya aware, alam niya kung paano pukawin ang aking damdamin…
Muli ay umakyat siya sa entablado upang maghandog ng isang awitin, tangan ang boses na noon pa man ay animong mahalimuyak na rosas na hinahagkan ng hamog sa madaling-araw…
Dahil ayokong magmukhang isang ordinaryong tagahanga, nagpaka-civil ako at calm… Kunwari ba'y isang tunay na music lover na nakaka-appreciate sa kanyang command of melody and pitch…
Nang hindi ko na mapigilan ang aking damadamin — at dahil napuna kong lilisan na ang aking Paraluman…
Kung ikaw man ang nasa lugar ko, ngingiti ka rin nang ganito.












